Hantong: Mga Kuwento ni John Jack G. Wigley (1)
Hantong: Mga Kuwento ni John Jack G. Wigley (2)

Sell Hantong: Mga Kuwento ni John Jack G. Wigley best price

4.5
4
ratings
4
sold
₱420
Brand
Ust Publishing House
Ships from
Sampaloc, Metro Manila

Product Description

Kung pinatawa niya tayo sa Lait Chronicles, sa aklat na ito ay kukurutin ni John Jack Wigley ang ating mga puso. Nakaugat ang moral na tindig ni Wigley sa malalim na pag-unawa sa mga dilemma ng kaniyang mga tauhan, extension ng mayamang danas na una nating nabasa sa kaniyang mga memoir. Hindi lamang memoirist at humorist si Wigley, ang kaniyang fiksiyon, sa eleganteng Filipino, ay patunay na hindi lamang siya bihasa sa dalawang wika, kabesado pa niya ang lalim at lawak ng ating loob bilang tao. —Jerry B. Gracio Sa sinumang magpasiyang buksan ang Hantong at basahin ang koleksiyong ito, kasiya-siyang abentura sa naratibo ang dadanasin niya. Mayaman at sari-sari ang binubuksang mundo at paksa sa mga kuwentong Wigley. Matalas at kapansin-pansin ang kakayahan ng kuwentistang magbuo ng mapapaniwalaang sitwasyong kinasasadlakan ng tauhan. Sa katotohanan, nagpapatuloy ang daloy na kuwentong Wigley sa malinaw na pagkakilala sa mga tauhan. Ang pitik ng pagnanasa at pangarap ng bawat isa ang nagsasanhi ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Malalaki man o babae, mamatanda o bata, at lalo na kapag bakla, nahuhugisan ng awtor ang pinakabuod ng kanilang pagkatao. Matiyagang binubuo ang daigdig ng tauhan. Ang espasyo, ang milieu, ang oras, ang sandali at tagpuan, at ang sikolohikong istatus ng tauhan ay hindi mapaghihiwalay kundi sadyang magkasalikop at iisa na ngang maituturing. Bawat detalye ay mahalaga sa piniling paksa at walang maitatapong bahagi. Kaya madaling maiibigan ang estilo ni Wigley. Hindi mabigat ngunit may bigat. Hindi pilit o namimilit ngunit mapaggiit sa nais iparating sa isang may sining na paraan. Hindi maitatanggi, may bagong tagapag-ambag ngayon—sa katauhan ni John Jack G. Wigley—sa pagpapaunlad ng maikling kuwentong Filipino. —Mula sa Panimula ni Romulo P. Baquiran, Jr.

From the same shop

Related items

You may also like