SYNERGREENS 30 Sachets (1)
SYNERGREENS 30 Sachets (2)

Sell SYNERGREENS 30 Sachets best price

4.8
80
ratings
81
sold
₱1,100
Ships from
Taguig City, Metro Manila

Product Description

-open for membership entry! 30 sachets 2 boxes MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA ALMURANAS o HEMORRHOID Ang almoranas o hemorrhoids ay namamagang mga ugat sa palibot ng butas ng puwet. Ang mga dalubahasa ay nagsasabing halos kalahati ng mga taong may 50 taong gulang pataas ang may sakit na almoranas. Ang almoranas ay maaaring tumubo sa loob o sa labas. Sa dalawang uri ng almoranas, ang almoranas sa labas ng puwet ay ang pangkaraniwan at lubhang nakakasagabal sa mga gawain sa araw-araw. Ang almoranas ay sanhi ng mating pangangati, sakit at kahirapan sa pag-upo. Ang magandang balita ay ang almoranas ay nagagamot. Ano ba ang mga sintomas ng almoranas? Nararanasan mob a ang sumusunod na mga sintomas? May almoranas ka kapag: Matindi ang pangangati ng iyong puwet Pagsusugat sa palibot ng puwet Pagkakaroon ng makati o masakit na bukol malapit sa puwet Masakit na pagdumi Paglabas ng kaunting dugo sa puwet Bagaman ang almoranas ay napakasakit, hindi naman ito nakamamatay at kadalasang nawawala kahit na hindi gamutin. Kung palagi kang sinusumpong ng almoranas, baka magkaroon ka ng mga sintomas ng anemia tulad ng panghihina at pamumutla ng balat dala ng pahkawala ng dugo. Ang sintomas na ito ay napakabihirang mangyari. Ano ba ang sanhi ng almoranas? Alam mo ba na hindi siguarado ang mga dalubahasa sa kung ano talaga ang pinka-dahilan ng pagkakaroon ng almoranas? Oo, ngunit may ilang salik na maaaring magpalala ng iyong almoranas. Ang ilan ay ang mga sumusunod. Sobrang pag-iri kapag nagbabawas Pagkakaroon ng pangmatagalang kahirapan sa pagdumi Pag-upo sa kubeta ng matagal na panahon Pagkakaroon ng mga kapamilyang may almoranas Kung ikaw ay buntis, malamang na magkaroon ka ng almoranas. Kapag ang iyong bahay bata ay lumaki, itinutulak nito ang mga ugat sa colon mo kaya ito ay lumalaki na parang bukol sa puwet. Paano ba sinusuri ang almoranas? Ang pisikal na pagsusuri sa puwet ay sapat na para matiyak na almoranas nga ang sakit mo. Para kumpirmahin ang hinala ng doktor, maaari siyang magsagawa ng iba’t ibang mga pagsusuri para tingnan ang anumang mga abnormalidad sa puwet mo. Maaaring ipasok ng doktor ang kanyang daliri sa puwet. Pag nakapa niya ang anumang hindi normal, baka sabihin niyang kailangan mo ng sigmoidoscopy. Ang sigmoidoscopy ay isang pagsusuri kung saan isang maliit na camera ang gagamitin ng doktor para makita ang almoranas na tumubo sa loob ng puwet mo. Ipapasok ng doktor ang camera sa puwet mo para makita niya ng maigi ang almoranas. Ano ba ang gamot sa almoranas? Ang paggamot sa almoranas ay maaaring isagaw sa bahay mo o sa klinika ng doktor. Para mabawasan ang pananakit, maaari mong ibabad sa palangganang may maligamgam na tubig ang puwet mo sa loob ng 10 minuto. Maaari ka ring umupo sa boteng may maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit na dala ng almoranas na tumubo sa labas ng puwet.

Product Specifications

Expiry Date1693756800
FDA Registration No.45122222

You may also like